Umapela sa Philippine National Police (PNP) ang Commission on Elections (COMELEC) na agarang aksiyonan ang naiulat na serye ng karahasan at pananakot sa mga poll officers noong nakalipas na halalan.
Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, dapat madaliin na ng PNP ang pagresolba sa mga kaso kabilang na dito ang mga biktima ng pamamaril upang mabigyan ng hustisya ang mga pamilya at iba pang mga biktima ng karahasan.
Umaasa ang poll body na hindi na maulit pa ang ganitong klase ng insidente sa mga poll workers sa gitna ng eleksiyon.
Nagbabala naman ang COMELEC na hindi nila uurungan ang sinumang nagbabalak ng masama o kaguluhan laban sa kanilang ahensya.