Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi legal na mapipilit ng ahensiya ang mga kandidato na dumalo sa mga nakatakdang debate.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, walang kapangyarihan ang poll body sa pagtiyak ng pagdalo para sa kanilang mga debate dahil walang mga batas na nag-uutos dito.
Maaalala naman na hayagang tinawag ng kandidatong si Walden Bello ang Comelec para sa mahina umanong parusa nito sa mga nang-i-isnab sa mga debate, partikular sa mga frontrunner na sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio.
Giit naman ni Garcia na ang mga botanteng Pilipino ay “mature” na upang matukoy kung anong mga katangian ang hinahanap nila sa isang kandidato.
Samantala, isasagawa ang ikalawang yugto ng presidential debate sa susunod na linggo, April 3. 2022. —sa panulat ni Mara Valle