Aminado ang Commission on Elections o COMELEC na tali ang kanilang kamay pagdating sa premature campaigning.
Muli itong binigyang diin sa DWIZ ni COMELEC Spokesman Director James Jimenez kasunod ng kaliwa’t kanang reklamong kanilang natatanggap hinggil sa mga epalitikong nagpapalabas ng kanilang mga advertisement sa media.
Sinabi ni Jimenez, hangga’t walang nababalangkas na batas na nagbabawal sa premature campaigning, wala silang magagawa para supilin ang mga naglutangang mga advertisement.
By Jaymark Dagala