Aminado ang Commission on Elections na tali ang kamay nila sa mga pulitikong maagang pumapapel at nagpaparamdan para sa 2016 elections.
Sinabi sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andy Bautista
Na walang batas na nagbabawal sa pag-eepal ng mga pulitiko.
Ipaubaya na lamang aniya sa mga botante ang pagpapasya kung karapat dapat bang iluklok sa puwesto ang mga ganitong uri ng pulitiko.
Dagdag pa ni Bautista, hindi na usapang legal kundi usapang moral na ang isyu ng maagang pangangampanya ng mga pulitiko.
“Ang problema talaga dyan, wala namang batas na nagpapabawal dyan. Hindi na to usapang legal, ito ay usapang moral. Base sa ating mga botante yan eh, dapat maging mapanuri sila at tignan kung sino ang umaabuso,” paliwanag ni Bautista.
By: Aileen Taliping (patrol 23)