Sinopla ng Commission on Elections (COMELEC) ang mungkahi ni pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo na ipagpaliban ang pambansang halalan sa 2022.
Ito’y bilang pag-iingat na rin sa mga botante ngayong humaharap ang bansa sa pandemya ng COVID-19.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, walang dahilan para ipagpaliban ang halalan at sa katunayan ay pinaghahandaan na nila ito.
Giit ni Jimenez, maraming paraan para matuloy pa rin ang eleksyon sa pamamagitan ng alternative voting at pagpapalawig sa botohan ng dalawang araw para matiyak ang physical distancing.
Ganito rin aniya ang kanilang gagawin sa paghahain ng kandidatura sa susunod na taon kung saan, maaari itong ihiwalay ng petsa.