Inilikas sa mas ligtas na lugar ang mga bagong dating mula sa Taiwan na Precinct Count Optical Scanner (PCOS) machines dahil sa naranasang pagtaas ng tubig baha sa warehouse ng Commission on Elections sa Sta. Rosa Laguna.
Sinabi sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andy Bautista na hinihintay niya ang report kung may na-damage sa mga makina na gagamitin sa 2016 presidential elections.
Tinatayang 4,000 arkiladong PCOS machines na ang dumating at nakaimbak sa binahang warehouse.
Umaasa si Bautista na sana ay hindi napinsala sa baha ang mga bagong PCOS machines para hindi na makadagdag pa sa problema ng komisyon.
“In fact, nagkaroon kami ng problema nitong nakaraang weekend, kasi yung house namin sa Sta. Rosa, Laguna ay binaha. At yung makina ay nandoon. Medyo nagkaroon pa kami ng evacuation efforts sa makina para hindi mabasa,” paliwanag ni Bautista.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)