Balik-normal na ang website ng Commission on Elections (COMELEC) matapos itong i-hack noong Marso.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Baustista, kagabi lamang nag-resume ang operasyon ng kanilang website, ilang araw bago ang eleksyon.
Gayunman, hindi pa anya ma-access ang precinct finder kung saan maaaring hanapin ng mga botante ang kanilang mga presinto.
Maaari namang tumawag sa COMELEC hotline na 525-9296, o mag-text sa 09185668301 kung may mga nais i-sangguni hinggil sa kanilang voter status.
By Drew Nacino