Tutol si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa panukalang patawan ng parusa ang mga nuisance candidate o ‘yung mga panggulo lamang.
Ayon kay Guanzon, posibleng maging discriminatory ang nasabing panukala ni Senador Sherwin Gatchalian.
Iginiit ni Guanzon, hindi maaaring pigilan ang sinumang nagnanais kumandidato basta’t kuwalipikado ang ito, batay sa isinasaad ng Saligang Batas.
Una rito, hinimok ni Gatchalian ang kanyang mga kapwa mambabatas na madaliin ang pagpasa sa kanyang panukala laban sa mga nuisance candidate.
Sinabi ni Gatchalian, dahil ministerial duty lamang ang pagtanggap ng Comelec ng mga COC o Certificate of Candidacy, sinasayang lamang ng ilang mga indibiduwal na walang kakayahang mangampanya ang resources ng ahensiya sa kanilang paghahain ng kandidatura.