Posibleng magsilbi munang Acting Chairman ng Commission on Elections si Commissioner Socorro Inting.
Ito’y ayon kay Outgoing Commisisoner Rowena Guanzon, ay sakaling mabigo si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng COMELEC Chairman sa Pebrero a–tres, kapalit ni Sheriff Abas.
Pinaka-senior anya sa lahat ng Commissioner si Inting kaya’t ito ang maaaring pumalit kay abas na magreretiro sa Pebrero a-dos.
Si Inting, na dating Court of Appeals Justice ay itinalaga ni Pangulong Duterte sa poll body noong April 17, 2018.
Bukod kay Abas, magreretiro rin sina Commissioners Guanzon at Antonio Kho sa Pebrero a–dos habang maiiwan sa COMELEC En Banc sina Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino at Rey Bulay.