Binuksan na ng Commission On elections ang kanilang command center at hotline para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Lunes, Mayo a-Katorse.
Ayon sa COMELEC,magsisilbi itong monitoring center na layong tumanggap at aksyunan ang mga reklamo at mga tanong na kanilang matatanggap sa pamamagitan ng 8888 Hotline.
Maaari aniyang isangguni ng mga botante sa kanilang hotline ang precinct number a kung saang voting center sila dapat bumoto.
Ang command center ay matatagpuan sa punong tanggapan ng COMELEC sa Palacio De Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Paalala ng COMELEC, alas Siete ng umaga magsisimula ang botohan at matatapos sa ganap na alas Tres ng hapon.