Binuksan muli ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik Eskwela Public Assistance Command Center.
Ayon sa DepEd, layon nitong bigyang linaw ang lahat ng mga isyu na may kaugnayan sa nalalapit na muling pagbubukas ng klase sa bansa.
Giit pa ng ahensya na magpapaalala lamang ito sa mga magulang na kanila nang i-enroll ang kanilang mga anak.
Mababatid na hanggang kahapon, Setyembre 6 ay pumalo na sa 17.9-M mag-aaral ang nakapag-enroll sa susunod na school year.
Samantala, sa mga nais na magtanong sa mga isyu may kinalaman sa school opening ay pwedeng iparating sa DepEd sa pamamagitan ng kanilang mga hotlines, emails, textlines maging ang mga social media platforms nito.