Kasado na ang gagawing command conference para ilalatag na seguridad sa election period sa Enero.
Ayon kay Commission on Elections Spokesman James Jimenez, kabilang sa magiging pulong ay ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na tututok sa election watchlist areas of concern.
Noong election 2013, nasa 81 probinsya at 1, 634 lungsod ang nasa ilalim ng election watchlist areas.
Aniya, posibleng ito pa rin ang tutukan o kaya naman ay madagdagan pa depende pa sa magiging resulta ng magiging pagtataya sa sitwasyong panseguridad .
By: Rianne Briones