Nagbitiw na sa puwesto si Brigadier General Allan Arrojado, isang araw matapos pugutan ng Abu Sayyaf ang Canadian national na si John Ridsdel.
Ayon sa liham ni Arrojado, nagbitiw siya bilang Brigade Commander ng 501st Brigade ng 5th Infantry Division ng Philippine Army dahil sa conflict of approach sa pagtugon sa banta ng Abu Sayyaf Group sa Sulu.
Epektibo kahapon ang nasabing resignation ni Arrojado na magugunitang una na ring bumitaw bilang commander ng Joint Task Force Sulu dahil sa sunud-sunod na pagdukot ng mga bandido sa Sulu.
New commander
Samantala, opisyal nang itinalaga si Col. Jose Faustino Jr. bilang Brigade Commander ng 501st Brigade ng Philippine Army sa Sulu.
Pinalitan ni Faustino ang nagbitiw na si Brig. Gen. Allan Arojado.
Si Faustino ay miyembro ng PMA Class 1988.
Matatandaang nagbitiw sa pwesto si Arrojado matapos ang pagpugot ng Abu Sayyaf sa Canadian kidnap victim na si John Ridsdel.
By Judith Larino | Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)