Naglabas ng commemorative medallion ang Singapore, isang linggo bago ganapin ang makasaysayang pagpupulong nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un sa nasabing bansa.
Sa ipinakitang larawan ng online shop na Singapore Mint, gawa ang medalyon sa ginto kung sa isang side nito may nakaukit na kalapati at tangkay ng halamang olive na simbolo ng kapayapaan gayundin ng rosas at magnolia na pambansang bulaklak ng dalawang bansa.
Sa kabilang dako naman ng medalyon, makikita ang magka-handshake na dalawang kamay, watawat ng Estados Unidos at North Korea at ang petsang Hunyo 12 na itinakdang araw ng pagkikita nina Trump at Kim.
Sinasabing nagkakahalaga naman ng mahigit isang libong (1,000) dolyar ang nasabing gintong commemorative medallion.
—-