Nag-alay lakad ang mahigit 3,000 survivor ng 1991 Mount Pinatubo eruption patungo sa San Guillermo Church sa Bacolor, Pampanga.
Ito’y bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng trahedya na ikinasawi ng halos 900 katao.
Sinimulan ang commemorative walk sa Cabetican Church na kalahati ng istrukutra ay 20 taon ng nakalubog sa lahar.
Magugunitang halos mabura sa mapa ang bayan ng Bacolor nang pumutok ang Pinatubo.
Hunyo 15 taong 1991 ang huling naitalang malakas na eruption ng naturang bulkan kung saan iniluwa ng pinatubo ang mga volcanic material tulad ng tephra na halos 500 taon nitong inipon.
By Drew Nacino