Nagsisimula nang mag-operate at magsupply ng tubig ang bagong Dam system na itinayo ng Prime Infra sa lalawigan ng Rizal.
Nitong Oktubre a – 25 nang pasinayaan ang commercial operations ng Wawa Bulk Water Supply Project Phase 1.
Nagsu-supply na ang phase 1 ng 80 million liters per day ng raw water sa Manila Water Company at Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Itinayo ang dam ng wawajvco (j-v-ko), na joint venture ng Prime Infra at San Lorenzo Ruiz Builders and developers Group, bilang bahagi ng P26 billion wawa bulk water supply project, na isa sa infrastructure flagship project ng pamahalaan.
Tiniyak ni Prime Infra Chairman Enrique Razon sa gobyerno ang pangakong matapos sa tamang oras ang mahalagang water infrastructure na tutulong upang masiguro ang sapat na supply ng tubig sa customers ng Manila Water.
Sa katunayan anya ay natapos nila nang maaga ang phase 1 ng proyekto sa gitna ng covid-19 pandemic o bago ang target completion schedule.
Sa oras naman na matapos ang phase 2 sa taong 2025, inaasahang makapag-su-supply ang dam ng 518 million liters ng raw water per day, na kailangan ng nasa kalahating milyong kabahayan sa east zone concession area.