Umaasa ang Department of Agriculture na masisimulan na ang commercial rollout ng bakuna kontra African swine fever sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Agriculture Spokesman at Assistant Secretary Arnel de Mesa, umaasa silang maaaprubahan na ng Food and Drug Administration ang pagpapalabas ng bakuna bago matapos ang taon.
Sa ngayon aniya ay monitored release pa lamang ang aprubado ng FDA, kaya’t gobyerno pa lamang ang pwedeng gumamit ng bakuna at hindi ang publiko.
Matatandaang sampung libong ASF vaccine ang binili ng pamahalaan para sa pagbabakuna sa Batangas, na inaasahan naman ng ahensyang matatapos sa ikatlong linggo ng Nobyembre. - sa panulat ni Laica Cuevas