Aprubado na para sa commercial use ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kit na ginawa ng University of the Philippines (UP).
Ito ang inanunsyo ng Department of Health (DOH) matapos ang ilang buwang pakikipagtulungan ay handa na para sa commercial use ang RT-PCR test kit ng Pilipinas.
Kasabay nito, kinilala ng DOH ang husay ng mga local scientist na patuloy na ginagamit ang kanilang talento para sa kapakinabanggan, hindi lamang ng mga Pilipino, kun’di ng sangkatauhan.
Magugunitang inaprubahan na ng Food and Drug Administration noon ang nasabing test kit ngunit hinarang ito ng Research Institute for Tropical Medicine matapos na magkaroon ng 30% “indeterminate” o hindi tiyak kung negative o positive ang resulta ng isang sample.