Posibleng maging awtorisado na para sa commercial use ang COVID-19 vaccines sa huling bahagi ng 2022.
Ayon kay NTF special adviser Dr. Ted Herbosa, kailangang makumpleto ng mga bakunang ito ang phase 3 trials bago maisyuhan ng Certificate of Product Registration (CPR).
Kaya hangga’t hindi aniya kumpleto ito ay hindi tatanggapin ng Food and Drug Administration (FDA) ang CPR nila.
Posible umanong ang Pfizer vaccine ang maunang makakumpleto ng Phase 3 trials sa Hulyo 2022.—mula sa panulat ni Hya Ludivico