Posibleng maging otorisado na para sa commercial use ang COVID-19 vaccines sa huling bahagi ng 2022.
Ayon kay National Task Force (NTF) Special Adviser Dr. Ted Herbosa, kailangang makumpleto ng mga bakunang ito ang Phase 3 trials bago ma-isyuhan ng Certificate of Product Registration.
Kaya hangga’t hindi aniya kumpleto ito, hindi tatanggapin ng Food and Drug Administration (FDA) ang CPR nila.
Posible umanong ang Pfizer vaccine ang maunang makakumpleto ng Phase 3 trials sa Hulyo 2022. —sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Airiam Sancho