Inihayag ni incoming chairman ng Senate Ways and Means Commitee senator Sherwin Gatchalian na inaantay nila na lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng second education commission para sa pag-review ng K-12 program sa pagpasok ng 19th congress.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Sen. Gatchalian na layon ng nasabing commission na tingnan ang problema sa edukasyon lalo na sa performance ng mga mag-aaral.
Kung matatandaan aniya bago mag-pandemya na ang Pilipinas ang pinakahuli sa buong mundo pagdating sa reading, math at science na kung saan hindi ito maganda para sa kinabukasan ng mga kabataan at ng bansa.
Binigyang din ng senador na ang pag-review sa K-12 program ay para i-enhance o mapabuti ito at hindi para buwagin.
Samantala, nilinaw ni Gatchalian na dapat ay may matinding paghahanda ang mga paaralan para sa pagbubukas ng full face-to-face classes sa Nobyembre.