Pinapurihan ng CHR o Commission on Human Rights si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglagda niya sa executive order na ganap na magpapatupad ng Reproductive Health Law.
Ayon sa CHR, patunay ito na sinusuportahan ng administrasyon ang responsible parenthood and Reproductive Health Act of 2012.
Kumbinsido ang CHR na hindi hahayaan ng pamahalaan ang anumang gawaing pipigil sa kababaihan na makakuha ng serbisyo, impormasyon, at mga bagay na makatutulong sa kanilang kalusugan at sa pagpapamilya.
Gayunpaman, sinabi ng CHR na nahaharap pa rin sa maraming hamon ang Reproductive Health Law sa bansa.
By: Avee Devierte