Sang ayon ang Commission on Human Rights sa paggamit ng mga pulis ng body camera sa kanilang mga operasyon sa kanilang pagbabalik sa kampaniya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Ayon kay CHR Chairperson Atty. Jackie de Guia , tiwala silang magiging kapakipakinabang ang paraang ito upang iwas kontrobersiya na rin ang war on drug ng pamahalaan.
Dagdag pa ni De Guia, hadlang din ang paggamit ng body camera upang makagawa ng iligal na gawain ang mga alagad ng batas.
Kasabay nito, umaasa umano sila na tutugunan ng pnp ang kanilang mga kahilingan ngayong balik na naman sa war on drugs ang pambansang pulisya.
Kabilang sa kahilingan ng kanilang komisyon nuon pa ay ang magkarron ng regular na pulong ang mga pinuno ng CHR at PNP at magkaroon ng joint task force para sa imbentaryo ng mga kaso.
Gayundin ang pagkakaroon ng access ng CHR sa mga case folder gaya ng mga SOCO report ng mga nasasawi sa operasyon ng PNP.
Itinuturing naman ng CHR na magandang hakbang ang plano ng PNP na bumuo ng guidelines sa kanilang mga ikakasang operasyon.