Nagpahayag ng kahandaan ang pinuno ng Campaign Finance Office ng Commission on Elections na magbitiw sa pwesto.
Kinumpirma ito mismo ni Commissioner Christian Robert Lim na siyang pinuno ng Comelec CFO.
Inamin ni Lim na plinano niyang mag-resign, isang araw matapos magpasya ang COMELEC En Banc na palawigin ang Filing ng Statement Of Contributions and Expenditures o SOCE hanggang sa Hunyo 30.
Sa kabila nito, mananatili si Lim bilang Senior Commissioner ng Poll body.
By: Meann Tanbio