(Update) Nakatakdang magbitiw sa pwesto ang pinuno ng Campaign Finance Office ng Commission on Elections.
Ayon kay CFO Head Commissioner Christian Robert Lim, ihahain niya ang kanyang resignation letter sa Lunes, June 20.
Ang desisyong ito ni Lim ay kasunod ng naging pasya ng COMELEC En Banc na palawigin ang filing ng Statement Of Contributions and Expenditures o SOCE hanggang sa June 30 bunsod na rin ng kahilingan ng Liberal Party at standard bearer nitong si dating DILG Secretary Mar Roxas.
Iginiit ni Lim na hindi katanggap-tanggap ang policy shift na ito.
Ang CFO ang in-charge sa pagtanggap at pag-evaluate ng SOCE ng mga kandidato sa halalan.
By: Meann Tanbio