Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commissioner Prospero De Vera III bilang chairman ng Commission on Higher Education (CHED).
Sa ipinalabas na pahayag ng CHED, maninilbihan si De Vera sa ahensiya hanggang Hulyo 21 ng taong 2022.
Samatala, sinabi naman ni De Vera na nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte para pamunuan ang CHED.
Nangako naman si De Vera na kanyang masigasig at tapat na paglilingkuran ang ahensiya para matiyak ang implementasyon ng free education act at iba pang reporma sa higher education.
Si De Vera ay nagsimulang magsilbi bilang CHED commissioner noong Setyembre 16 ng taong 2016 bago itinalaga bilang officer-in-charge (OIC) noong Enero 24 matapos magbitiw ni dating Chairperson Patricia Licuanan.
PRRD APPOINTS DE VERA CHED CHAIRMAN
“President Rodrigo Roa Duterte has appointed Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III as Chairman of the Commission in Higher Education (CHED) to serve until 21 July 2022.”
Read more: pic.twitter.com/OnRmKfpmep
— Official CHED (@PhCHED) October 15, 2018