Mas kwalipikado bilang Commissioner ng Commission on Elections o Comelec si Amie Ferolino kaysa kay Rowena Guanzon.
Ito ang sinabi ni Atty. Larry Gadon kasunod ng hidwaan sa pagitan ni Guanzon at ni Ferolino kaugnay sa Disqualification case ni dating senator at presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos para sa 2022 election.
Ayon kay Gadon, isang career employee si Ferolino hanggang tumaas ang ranggo nito.
Habang mas marami aniya itong karanasan at tungkulin sa trabaho kaysa kay Guanzon na isang political appointee ng dating mga pangulo na sina Cory Aquino ang Noynoy Aquino.
It is not fair for Commissioner Guanzon to say that Commissioner Ferolino is not qualified as a commissioner of Comelec..you have to remember that Commissioner Ferolino.. I do not know her personally ha..hindi ko kaibigan yan ..hindi ko kakilala pero siya ..she is more qualified than Rowena Guanzon because Commissioner Ferolino is a career employee in Comelec nag-umpisa yan sa mababang pwesto hanggang sa ma-promote sa mataas na pwesto until na naging commissioner.. – Atty. Larry Gadon