Inamin ni Bureau of Customs Commissioner (BOC) Isidro Lapeña na tuloy pa rin ang “tara” o suhulan sa ahensiya
Ito’y sa kabila ng pagkakasiwalat nito bunsod ng kontrobersiya hinggil sa nasabat na 6.4 Billion Pesos na halaga ng shabu nuong nakaraang taon
Sa pagpapatuloy ng pagdining ng Senate Blue Ribbon committee hinggil sa naturang shabu shipment, sinabi ni Lapeña na dinadaya ng mga consignee ang halaga ng dumarating na kalakal at itinatago ang tunay na importer
Ang consignee ay upahan naman aniya na hindi direktang ka-transaksyon ng importer at sa ganitong modus umano ay nangyayari ang tara-han o suhulan
Dahil dito aniya ay hindi nakokolekta ng gobyerno ang tamang buwis
Gayunman tiniyak ni Lapeña ang kanilang pagsisikap na gumawa ng hakbang para tuluyang matuldukan ang katiwalian sa loob ng ahensya