Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Chairman ng Commission on Election si Commissioner Sheriff Manimbayan Abas.
Opisyal na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Abas noong Enero 16.
Unang itinalaga ng Pangulo si Abas sa COMELEC noong nakalipas na taon upang magsilbing Officer-In-Charge ng komisyon matapos magbitiw si Atty. Andres Bautista bilang Chairman noong Oktubre a-bente tres.
Magugunitang naghain ng resignation sa punong ehekutibo si Bautista matapos magkaroon ito ng problema sa kanyang pamilya.
Naitalaga bilang Chairman ng COMELEC si Abas noong November 22 pero hindi ito umabot sa Commission on Appointment dahil sa holiday o Christmas break kaya’t kinailangan itong i-re-appoint ngayong taong 2018.
Samantala, itinalaga naman ng Pangulo bilang bagong member at board of director ng P.C.S.O. si Anselmo Simeon Patron na magsisilbing kahalili ng nagbitiw na si dating P.C.S.O. Chairman Jose Jorge Corpuz.