Nagbitiw sa puwesto si Commissioner Socorro Inting bilang Chairperson ng Comelec Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC).
Ito ay bilang pagtutol sa naging desisyon ng Comelec En Banc na bigyan ng kapangyarihan si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na magbigay ng Gunban exemptions at maglagay ng mga lugar sa ilalim ng Comelec control.
Ayon kay Inting, tutol siya sa naging nais ng En Banc dahil nawawalan ng saysay ang tungkulin ng nabanggit na komite dahil sa pagbibigay ng kapangyarihan kay Pangarungan. —sa panulat ni Angelica Doctolero