Pinaplantsa pa ng Philippine Navy ang magiging takbo ng programa para sa commissioning at handover ceremony sa BRP Jose Rizal.
Ito’y makaraang i-anunsyo ng Navy ang pagpapaliban sa nakatakda sanang pagpapasinaya sa pinakabago at kauna-unahang missle capable frigate ng Pilipinas.
Ayon kay Lt/Cdr. Maria Christina Roxas, ang pagpapaliban sa nasabing okasyon na isasabay sana sa ika-157 kaarawan ni Gat Jose Rizal ay bunsod ng aniya’y unavoidable circumstances.
Una rito, pormal nang isinagawa ng navy ang pagtanggap sa nasabing barko mula nang dumating ito sa Subic Bay sa Zambales nuong mayo-23 matapos makumpleto naman ng crew nito ang mandatory 14-days quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang bagong barkong gawa ng Hyundai heavy industries ng South Korea ay may 65 maiden crew at pinamumunuan ng unang commanding officer nito na si Capt. Jerry Garrido Jr.