Ikinatuwa ni Senador Risa Hontiveros ang commitment ng Sanofi Pasteur sa pamamagitan ng Asia-Pacific Head nitong si Thomas Triomphe na handa nilang sagutin ang gastos ng pamilya ng mga masasawing bata sa dengue.
Ito’y kung mapapatunayang binakunahan ang mga bata ng Dengvaxia na gawa ng nabanggit na French Pharmaceutical Company.
Una ng ipinaliwanag ni Triomphe na sa mga bansang nagsagawa ng clinical trial para sa mga dengue ay wala pang naitatalang nasawi sa naturang bakuna.
Bukod sa Pilipinas, nagsagawa rin ng clinical trial ang Sanofi sa Mexico, Brazil at El Salvador.
Samantala, inihayag ng Research Institute for Tropical Medicine ng Department of Health na buhay naman ang lahat ng 3,500 isinailalim sa clinical test.
Posibleng irekomenda naman ng mga panel of expert ng D.O.H. ang completion ng bakuna ng mga pasyenteng tinurukan na ng Dengvaxia sa una’t ikalawang dose upang ganap silang ma-protektahan sa sakit.