Nakatakdang aprubahan ng House Committee on Appropriations ang committee report hinggil sa 4.1 trillion 2020 General Appropriations Act ngayong araw.
Ayon kay Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab, agad nila itong isasalang sa plenarya para sa ikalawang pagdinig bukas.
Aniya, nagawa nila ang mabilis na pag apruba sa budget dahil sa patnubay ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Inirekomenda rin ni Cayetano na baguhin ang mga nakatakdang pagdinig sa Kamara at ipatupad ang apat na budget briefing kada araw.
Pinasalamatan din ni Ungab ang kaniyang mga kapwa kongresista sa kooperasyon na dahilan ng mabilis na pag apruba ng panukala.
Matatandaang sa mga nagdaang sesyon ay karaniwang natatapos sa huling linggo ng Setyembre ang pagdinig sa proposed budget.
(with report from Jill Resontoc)