Kumporme si Majority Leader Tito Sotto na gawin na ang report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa mahigit anim na bilyong Pisong shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.
Ayon kay Sotto, masyado nang nahahaluhan ng pulitika ang usapin lalo’t may ilan tulad ni Senador Antonio Trillanes na pilit ini-uugnay ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing anomalya.
Pero nilinaw ni Sotto sa DWIZ na ibang usapin ang pagkakalusot ng shabu sa customs sa ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson sa kaniyang privilege speech hinggil naman sa sistema ng tara sa Aduana.
Kasunod nito, sinabi ni Sotto na ipinauubaya na nila sa Department of Justice kung iimbestigahan pa nila ang nasabing usapin ngunit ang malinaw aniya na dapat makasuhan ang lahat ng sangkot dito.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE