Hindi kuntento si Senador Panfilo Lacson sa draft committee report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa 6.4 bilyong pisong halaga ng drug shipment na nakapasok sa bansa mula China.
Ayon kay Lacson, may kulang, nawawala at inconsistent o hindi naaayon sa kanilang mga natalakay sa pagdinig ang mga rekomendayon ng komite.
Sinabi pa ni Lacson, meron siyang reservations sa findings ng komite lalo na sa mga bagay na may kaugnayan kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, dating Intelligence Service Chief Neil Estrella at Intelligent Officer Joel Pinawin.
Dadag pa ni Lacson, hindi pa niya nalalagdaan ang nasabing committee report dahil magsusumite pa siya ng komento at rekomendayon kay Blue Ribbon Chairman Dick Gordon.
(Ulat ni Cely Bueno)