Inendorso na sa plenaryo ni Senate Committee On Electoral Reforms Chairperson Imee Marcos ang rekomendasyong ipagpaliban ng isang taon ang barangay at sangguniang kabataan elections.
Nakasaad sa committee report na isasagawa ang barangay at s.k. polls sa ikalawang Lunes ng December 2023 habang mag-uumpisa ang panunungkulan ng mga mahahalal na opisyal sa January 1, 2024.
Dahil dito, ma-e-extend ang panunungkulan ng mga kasalukuyang barangay at s.k. officials.
Ang susunod na baranggay at s.k. elections ay gaganapin sa ikalawang lunes ng mayo sa taong 2026 at mula roon, tuwing ikatlong taon na ang halalang pambarangay at sangguniang kabataan
Sa kanyang sponsorship speech, inamin ni Senator Marcos na nagsinungaling siya nang mangako siya noong 2019 na huling pagpapaliban ng nasabing halalan.
Nilinaw ng senador na mayroong mabibigat na dahilan bakit binawi niya ang pangako noon na hindi na muling mapo-postpone ang eleksyon partikular ang sistema ng barangay at s.k. — Sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)