Inaasahang bago mag-March 14 ay buo na ang committee report kaugnay sa impeachment hearing kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi sa DWIZ ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na kabilang ang nasabing committee report na pagbobotohan nila sa plenaryo sa Miyerkoles, March 14 gayundin ang articles of impeachment bago tuluyang iakyat sa Senado ang impeachment case ng Punong Mahistrado.
Ayon pa kay Umali, ilalabas nila sa publiko ang isinagawa nilang pulong sa psychiatrists kaugnay sa estado ng pag-iisip ni Sereno.
“’Yung psychiatric evaluation result will show the many acts committed by Chief Justice, which she should explain why she committed those acts and to show this pattern of behavior that made her so self-righteous and in the process nawalan ng respeto ang kanyang mga kasamahan sa kanyang pamumuno sa Korte Suprema.” Pahayag ni Umali
(Ratsada Balita Interview)