Magiging personal nurse ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña sa kanyang biyahe sa Cambodia, Hongkong at China.
Kasama si Honeylet at anak na si Kitty nang umalis kahapon ang Pangulo patungong Cambodia para dumalo sa World Economic Forum.
Ayon sa Pangulo, dahil bakasyon naman ng anak na si Kitty, magkakaroon sila ng saglit na “bonding time” habang personal na pangangasiwaan ni Honeylet ang pag-inom nito ng mga gamot.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya komportable sa pagpasok-pasok ng mga police nurse sa kanyang kuwarto at mas gusto niyang si Honeylet ang magpainom ng kanyang mga gamot.
Ang maybahay ng Pangulo ay isang professional nurse na nagtrabaho noon sa Estados Unidos.
By Meann Tanbio |With Report from Aileen Taliping