Nanawagan ang Malakanyang sa law enforcers tulad ng barangay officials, local government units (LGUs) at pulis na gamitan ng sentido kumon o common sense ang pagpapatupad ng batas sa enhanced community quarantine (ECQ).
Partikular na tinukoy ni Presidential Spokesman Harry Roque ang otoridad na nagmamando sa mga checkpoints at mga nag-iikot upang humuli ng violators ng ECQ.
Ayon kay Roque, bagamat kailangang gawin nang sang-ayon sa batas ang pagpapatupad ng ECQ regulations, nangangailagan rin anya ito ng common sense.
Inihalimbawa ni Roque ang pagharang ng purok leader sa delivery ban na may kargang medical oxygen tanks na makalabas ng Quezon City at ang di umano’y may diperensya sa pag-iisip na hinahataw ng rattan stick ng mga lockdown enforcers.