Pormal nang pinasinayaan ang common station na magdudugtong sa lahat ng linya ng LRT at MRT gayundin sa planong subway system.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, tatapusin nila ang common station sa loob ng dalawa at kalahating taon o sa 2019.
Aabot sa halos tatlong bilyong piso ang gagastusin ng pamahalaan sa pagpapatayo ng common station na may lawak na 13,700 square meters na nasa pagitan ng SM North EDSA at Trinoma shopping malls.
Maliban pa ito sa gastusin na naka-toka naman sa mga pribadong partners ng pamahalaan tulad ng Ayala Malls at SM Malls.
Ang common station ang magdudugtong sa Line 1 at 2 ng LRT, MRT 3 at ang MRT 7 na inaasahang tatakbo na rin sa 2019 gayundin ang planong Mega Manila Subway.
READ | #DOTr: Common Station Groundbreaking, A Victory for the Riding Public | FULL STORY: https://t.co/Q6O8RhEZIy pic.twitter.com/fLzCFCy0aM
— DOTr (@DOTr_PH) September 29, 2017
Sec Tugade: Pasalamatan po natin ang mga pribadong kumpanya na nakiisa at isinantabi ang mga interes para ito (Common Station) ay matuloy pic.twitter.com/bwEFeA7lGc
— DOTr (@DOTr_PH) September 29, 2017
MUST READ: #CommonStation begins construction | FULL STORY: https://t.co/LTeDBiu8LX pic.twitter.com/DmeeYGM3xg
— DOTr (@DOTr_PH) September 29, 2017