Tiniyak ng Department of Transportation na hindi magtataas ng pasahe sa LRT at MRT ang itatayong common station na nagkakahalaga ng mahigit sa 2 Bilyong Piso.
Gayunpaman, sinabi ni Senate Committee on Public Services Chair Grace Poe, dadaan pa ang pinal na plano sa NEDA o National Economic and Development Authority.
Dahil dito, tiniyak ng Department of Transportation sa ginananap na Senate hearing kahapon na magkakaroon ng public consultation at umaasa si Poe na interes ng mga pasahero ang isasaalang-alang.
Samantala, sinabi ni Poe na posibleng maging magkasalungat ang pananaw ng Senado at Kamara hinggil sa itatayong common station project.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Senadora Grace Poe.
By: Avee Devierte / Cely Bueno