Ibinalik na ng North Korea ang kanilang communication line sa South Korea.
Ito ang kinumpirma ng Unification Ministry ng Seoul Korea kung saan nagpalitan umano ng tawag ang mga opisyal ng dalawang bansa makalipas ang ilang buwan.
Umaasa naman ang South Korean Government na magsisilbing pundasyon ang muling mapanumbalik ng samahan ng dalawang bansa.
Bukod pa dito, nais din ni North Korean Leader Kim Jong Un na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Korean Peninsula. —sa panulat ni Angelica Doctolero