Ibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kulungan ang mga lider ng komunista na naging bahagi ng peace panel sa pakikipag-usap sa CPP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front sa Oslo, Norway at maging sa Roma.
Ayon sa Pangulo, ang mga ayaw bumalik sa bansa ay ituturing na pugante, kakanselahin ang mga pasaporte at ipaaaresto sa international police.
Idinagdag pa ng Pangulo na kung gustong gayahin ng mga ito si CPP Founder Jose Maria Sison na humirit ng asylum ay hahayaan niya ang mga ito dahil ang pinaka-nakahihiyang mangyari sa isang pilipino ay ang mamatay sa ibang bansa.
Kasabay nito, inatasan na ng Pangulo ang Government Peace Panel sa pangunguna nina Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza at Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na bumalik na sa Pilipinas.
By Meann Tanbio | Report from Aileen Taliping