Tila domino effect ang paglaganap ng bayanihan sa bansa sa pamamagitan ng ‘community pantry’ na nagsimula sa Maginhawa street sa Quezon City nito lamang nagdaang linggo.
Umabot na rin ito sa Caloocan, Pasig, Maynila, Laguna, Batangas, Albay, Bulacan at ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, suportado ng Department of Health ang adbokasiyang ito subalit panatilihin dapat ang physical distancing.
Samantala, nakakuha naman ito ng magagandang reaksyon mula sa ilang pulitikong gaya ng mga senador subalit iginiit na palatandaan ito ng kapalpakan ng pamahalaan na magbigay ng ayuda.—sa panulat ni Agustina Nolasco