Mahigit 600 runners ang lumahok sa community run for a cause ng Quezon City Police District (QCPD).
Layunin nito na makalikom ng pondo para sa scholarship ng mga anak ng mga pulis na nasawi at nasaktan sa gitna nang pagseserbisyo.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga kaanak ng mga pulis na nasawi habang naglilingkod.
Ang fun run ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-83 Founding Anniversary ng QCPD sa November 25. —mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11) sa panulat ni Jenn Patrolla