Maaari nang magamit ang community hospital na itinatayo sa Baseco, Tondo bago matapos ang taon.
Ito ay sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna, kung saan nasa 88% nang tapos ang tatlong palapag na ospital.
Inaasahan naman aniya na nasa 10,000 ang kayang tanggapin ng naturang ospital.
Batay sa orihinal na plano, target makumpleto ng lokal na pamahalan ang mga kagamitan sa ospital sa katapusan ng Setyembre.
Ngunit ayon sa alkalde, may ilang pagbabago lamang ang ginawa upang makatanggap pa ng mas maraming pasyente ang naturang pagamutan. – sa panulat ni Hannah Oledan