Hindi dapat masamain ang mga itinatayong community pantry na nagbibigay ng libreng pagkain para sa mga Pilipino.
Ayon ito kay political analyst Professor Ramon Casiple na nagsabi ring kahit ano pa mang motibo ng mga community pantry na ‘yan, kung makakatulong naman ito para sa mga Pilipino lalo na kung libre, walang dapat kuwestyunin sa mga ganitong hakbangin.
Sa halip aniya ay dapat pang itaguyod o suportahan ang pagtatayo ng mga community pantry.
‘Yung pantries na ‘yan, e, sa panahon na nagugutom ang mga tao, walag trabaho, hindi mo na dapat itanong ‘yan. Sasabihin mo na may masamang motibo ‘yung mga nag-ano niyan, wala naman akong nakikita sa totoo lang. Libre ‘yan,” ani Casiple. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas