Pinapurihan ng Palasyo ang kali-kaliwang mga community pantries sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region (NCR).
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patunay ang mga hakbang na ito na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan ng bawat Pilipino lalo na ngayong may pandemya.
Dagdag pa ni Roque, nagpapasalamat din ito sa naturang hakbang dahil gaya aniya ng paulit-ulit nilang sinasabi na hindi kayang mag-isa ng pamahalaan na labanan ang COVID-19 pandemic maging ang mga kaakibat na problema nito.
Nauna rito, nag-viral online ang community pantry ni Ana Patricia Non sa maginhawa street sa Quezon City.
Kung saan, kahit sino ay pwedeng kumuha ng pagkain dito ng free of charge o libre.