Nilinaw ng Palasyo na hindi ipinag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa mga community pantries sa bansa na mga nagsulputan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque at sinabi na ang pangamba lang ng pangulo sa mga pumipila sa community pantries ay nagiging super spreader o dahilan pa ng pagkalat ng COVID-19.
Giit ni Roque na ang gusto lamang ng Pangulo ay matiyak na ligtas ang publiko sa nakahahawang virus.
Kaya’y pakiusap ng Pangulo sa sinumang magtatayo ng community pantry na makipag-ugnayan muna sa mga lokal na pamahalaan para masiguro ng mga ito ang pagpapatupad ng health protocols gaya ng pagkakaroon ng social distancing.