Posibleng mabago ang community quarantine classifications ng mga lugar sa tatlong rehiyon sa Enero.
Tinukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga rehiyong Cordillera Administrative Region, CALABARZON at Region 11 na posibleng mabago ang classification.
Ani Roque depende ang pagtaas ng quarantine classification sa daily attack rate, 2-week average rate at hospital care utilization rate.
Hindi lang din aniya tinitingnan ang kapasidad ng probinsya kundi maging sa buong rehiyon at karatig rehiyon.
Nakatakdang magbigay ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kay
Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa community quarantine classifications para sa Enero pagkatapos ng Pasko.